Sunday, July 3, 2011

Quezon Series (Pagbilao and Padre Burgos Island Hopping) III


Quezon Part 3

Dahil sinabi sa akin ng customer service representative ng JAC liner na walang bus na bumabyahe papuntang Lucena sa Pasay ng medaling araw sa JAM liner na lang kami sana sasakay pero dahil sinipag ang kaibigan kong si Mario na tingnan kung wala ngang byahe sa JAC at ayun mali pala ang sinabi sa akin. So pumunta na kami ng mga kasama ko sa JAC liner. Madali naming napuno ang bus at umalis pagkapuno. Bait nga pala ng manong driver at kundoktor, pinagbigyan nila ang hiling na John Lloyd movie ang ipalabas.

Pagdating naming sa Lucena Grand Terminal dumeretso na kami sa sakayan ng bus papuntang Unisan na  dadaan ng lumang panaderya sa Basiaw, Padre Burgos. Bumili muna ang mga kasama ko ng pagkain at ako naman ang nagbantay ng mga bags nila. May baon na kasi akong tanghali at salamat sa aking nanay na supportive sa aking hobby.

Bumaba kami sa may lumang panaderya sa Basiaw. Wala naming lumang panaderya doon pero meron daw noon at ito na ang nakasanayang itawag ng mga tagaroon. Sumakay kami ng tricycle papuntang port at pagdating sa port hinanap naming si Mang Vic  na syang nagaassist ng mga bisitang maglilibot sa kanilang lugar. 
Laguimanok Port

Namili rin muna kami ng aming kakainin at iinumin sa aming pagcacamping. Ang bangka ni Mang Lubay Santos ang binigay nila sa amin. Ang ganda ng boat nila, mukhang bago at malaki. Mabait din sya pati na rin ang kanyang asawa. Nalimutan ko nga lang ang pangalan nya pero ang tawag namin sa kanya ay nanay. 


Una naming pinuntahan ang Puting Buhangin sa Pagbilao dahil ito ang pinakamalayo. Sayang lang at high tide na kaya may tubig na rin sa may Kwebang Lampas na malapit lang din sa Puting Buhangin. Maraming tao doon kaya hirap din kaming magpicture picture kaya nagswimming na lang muna kami sa may kwebang lampas. Buti na lang walang jelly fish dito. 50 pesos ang entrance fee sa Puting  Buhangin.  Kumain muna kami ng aming lunch at nagswimming ulit. Alas dos y media  na kami umalis ng puting buhangin at pumunta ng Dampalitan.

 Puting buhangin

 Kwebang Lampas
 photo op sa kwebang lampas

Maganda rin sa Dampalitan, para rin syang Anawangin cove dahil may pine trees din at magkakulay sila ng sand. Iyon nga lang di kami nagswimming doon kasi takot kaming masalabay (jelly fish). Marami kasing deadly jelly fish dito, kaya nagiingat kami. Naghanap rin kami ng magandang pupuwestuhan at mabuti na lang di magoovernight ang isang grupo kaya kumuha kami ng isang cottage (700) at nagpitch ng tent malapit dito.  Ang entrance fee nga pala dito ay  30 pesos at kung di kukuha ng cottage 150 ang ibabayad per tent. Kaya kung pupunta kayo make sure na malaking tent ang dala kasi iyon ang policy nila. Kinausap rin namin ang boatman naming na sunduin kami ng alas 8 ng umaga sa Dampalitan.




Ok naman sana sa Dampalitan pero lahat may bayad. Muntikan pa nga kaming awayin ng isang staff dahil binigay sa amin (actually hiningi namin ang natirang tubig ng naunang nagrent ng cottage). 300 pesos kasi ang bayad sa isang drum na tubig. Buti na lang at mabait ang isang staff at sinabing tira nga iyon ng nauna dun sa cottage. 
dalawa sa mga cottages sa dampalitan, cr naman ang nasa gitna ng cottage

ang aming cottage

Nagpaluto rin kami kay kuya at mabuti na lang at may huling alimango ang isang boatman kaya binili namin. Puro kasi canned goods ang dala naming kaya masaya sana kung may iba pang ulam. 120 ang binayad namin sa alimango.

Kinabukasan sinundo na kami ng aming boatman papuntang Borawan. Borawan dahil pinagsamang Boracay at Palawan. Mukha nga syang Palawan dahil sa limestones na meron sa isla pero Boracay hindi masyado kasi di masyadong fine ang sand doon. Pero nag-enjoy pa rin ako sa itsura ng isla. Maganda rin sya para sa akin. Nagsuper photo op kami dito ng mga kasama ko at naenjoy naming lahat ang lugar. 5 pesos ang siningil sa aming entrance fee pero sabi ng iba wala raw entrance fee dito. 


 Borawan Island

Bumalik na rin kami sa port pagkatapos naming maglibot sa Borawan. Pagdating naming sa port dumeretso kami sa tourism office nila at hinanap si Mang Vic para magbayad sa boat 1800 ang binayad namin boat dahil dalawang araw kaming nagpatour at pumunta pa kami sa Pagbilao. 
Padre Burgos Tourim office near Laguimanok Port

 look for the boat of Mang Lubay Santos

Nang matapos na kaming maligo at mag-ayos ng gamit nagpaalam na kami kay Mang Vic pati na rin kay Mang lubay Santos. Sumakay kami ng jeep papuntang SM Lucena at doon nananghalian. Pagkapanghalian sumakay kami ng JAC Liner bus papuntang Pasay .

Masaya ang trip na ito dahil bagong lugar na namang napuntahan at nagbonding kami ng mga dati ko nang nakakasama sa pag-gala. Isa na naman ito sa mga lugar na gusto naming balikan.

Salamat sa mga ka-girltalk at ka-pex na tumulong sa akin para sa trip na ito. Hindi ako masyadong nahirapang magplano dahil sa tulong nyo.

Itinerary

Day 1
4:00am                 Assembly time
5:00am                 Depart Pasay (Jac Liner Buendia terminal)
8:10am                 Arrival at Lucena Grand Terminal, rode bus going to Basiaw
8:40am                 Depart Lucena
9:50am                 Lumang Panaderya at Basiaw
10:00am               Arrival at Port Laguimanok, Padre Burgos, Quezon
10:30am               Start tour
11:10am               Arrival at Puting Buhangin, Pagbilao, Quezon; swim, photo ops, lunch
2:30pm                 Depart Puting Buhangin, off to Dampalitan
3:30pm                 Arrival at Dampalitan; pitch tent, rest, dinner and socials
9:00pm                 Lights off, sleeping time

Day 2
8:00am                 Depart Dampalitan
8:30am                 Arrival at Borawan
10:00am               Depart Borawan              
10:20am               Arrival at Laguimanok Port
12:00pm               Arrival at SM Lucena, lunch at Buddy’s
2:00pm                 Depart Lucena, off to Pasay Taft
6:00pm                 Home Sweet Home

Expenses
90                           taxi fare to Pasay Terminal
70                           breakfast
209.50                   bus fare Pasay to Lucena (Jac Liner Buendia, Pasay terminal)
35                           bus to Basiaw
1000                       boat rental, food, entrance fees and others
10                           trike fare Basiaw to port
10                           trike fare port to Basiaw
40                           jeepney fare Basiaw to SM Lucena
120                         lunch at buddy’s
12                           bus fare Pasay to Baclaran

Total expenses -  1596.50 

Contact Number:
Mang Vic    09129178637

Quezon Series (Pahiyas2 trip) II


Quezon Part II

Dahil nag-enjoy kami sa unang beses naming bisitahin ang Lucban at umattend ng Pahiyas festival bumalik ulit kami ngayong taon para makisaya sa kanilang fiesta.

Nagkita kita kami ng mga kasama ko sa terminal ng Greenstar sa Buendia, Pasay. Sumakay kami ng bus papuntang Sta. Cruz, Laguna at alas diyes kinse umalis na ang bus.  Lagpas 2 oras na byahe kami nakarating ng Sta. Cruz. Kumain muna kami ng tanghalian sa katapat na mga karinderya ng terminal ng jeep papuntang Lucban, Quezon. Mabuti na lang at di pa ganoon karaming taong papuntang Lucban.

Pagdating namin ng Lucban, sumakay ulit kami ng jeep papuntang May-it. Dito kasi kami magoovernight. Sa spring resort ng kaopisina ng kaibigan kong si Mario kami nakituloy. Nagbigay na lang kami ng tig-200 pesos para sa lodging at para sa agahan namin. Nagpahinga muna kami sandali at bumalik na rin ng Lucban para mag-ikot ikot.

 ang brrrr sa lamig na swimming pool

Maaga palang marami nang bahay na may dekorasyon. Ang ganda ng mga bahay ngayon. Mas naenjoy ko ngayon kahit di pa kumpleto ang palamuti sa mga bahay na sumali.

Pagkatapos naming magikot-ikot nagdinner kami sa Mustiola’s. Maraming taong kumakain doon kaya medyo mahirap kumuha ng upuan at table. Buti na lang at may natapos nang kumain kaya doon kami dali-daling pumwesto. Nung umoorder na kami, medyo di organisado ang pagpila ng mga customers. Tinanong ko ang isa sa mga staff ng Mustiola’s kung saan ang unang pila sabi nya kahit saan daw. Ngeks, ganun pala talaga doon.

Pagkatapos naming magdinner nagikot-ikot ulit kami at nung napagod kami nagdecide kaming bumalik na ng May-it.

Pagdating naming ng May-it nagkwentuhan muna kami at nagbonding.
inuman sessions *credits to Mario Jose*

Naligo rin kami sa pool kaya lang sobrang lamig kaya di ako nagtagal sa pagsiswimming. Natulog na rin kami pagkatapos naming magswimming.

Kinabukasan nag-ayos na kami para bumalik ng Lucban. Di naman kami nahirapang sumakay papunta pero grabe ang traffic na sinuong namin.  Ang layo din ng babaan ng jeep pero pareho lang ang pamasahe na siningil sa amin. Sumakay pa kami ng tricycle papasok ng Lucban pero hanggang doon lang din kami sa may tulay at di na rin daw makakapasok ang trike.

Pagdating namin ng Lucban pumunta na kami sa mga simbahan para doon simulan ang pagiikot. Doon na rin kami nagkita-kita ng mga kasama naming noong araw lang dumating. Doon din kami nagmeet ng mga kakilala kong Pexers na naglilibot din sa Lucban. 

 girltalkers at Lucban church *photo credits to Kelly Bontia*
pexers at Lucban church.. ako na ang maraming forum... hehe *photo credits to Wilma*





Pagkatapos naming maglibot pumunta kaming bahay nila JR (owner ng homestay na tinuluyan namin last year) at doon nagtanghalian. Pagkatapos naming magtanghalian bumalik na kami ng May-it.

Bonggang lakaran na naman ang aming sinuong pabalik. Ang init at ang daming tao at sasakyang sinalubong naming papuntang sakayan ng jeep. Pagdating naming ng May-it nagpahinga muna kami at pagkatpos ng ilang oras umalis na rin kami ng resort.

Nahirapan din kaming sumakay papuntang Lucena kaya nagdecide kaming maground trip na lang. Kaya late na kami nakapunta ng Lucena at nakauwi ng aming bahay.

Natutunan ko sa lakad na ito na maagang umalis para di matrapik sa daan. Sa Lucban proper na kami kumuha ng bahay na rerentahan para di mahirapan sa byahe. Pero kahit daming hassle sa lakad na ito, nagagawa pa rin naming magtawanan at maglokohan sa kabila ng tagal ng pagiintay. Naenjoy pa rin naming an gaming trip sa kabila ng lahat. =)

Itinerary

Day 1
9:30am                 Assembly time
10:15am               Depart Greenstar Pasay Terminal
12:40pm               Arrival at Sta. Cruz, Laguna; lunch at a carinderia near jeep terminal
1:40pm                 Depart Sta. Cruz, off to Lucban, Quezon
3:00pm                 Arrival at Lucban, ride jeep to May-it
3:30pm                 Arrival at May-it
4:30pm                 Back to Lucban, site seeing
7:00pm                 Dinner at Mustiola’s, site seeing again
8:00pm                 Back to May-it

Day 2
7:00am                 Wake up, breakfast
9:30am                 Off to Lucban
11:30am               Arrival at Lucban, site seeing
1:00pm                 Lunch
2:30pm                 Depart Lucban
3:00pm                 Arrival at May-it, pack-up
4:30pm                 Depart May-it, wait for the jeep going to Lucena.
5:30pm                 Decided to ride a jeep going to Lucban,instead. Depart May-it
6:30pm                 Arrival and Depart Lucban
8:00pm                 Arrival at Lucena Grand Terminal, dinner at Chowking
9:30pm                 Depart Lucena
1:30am                 Home sweet home

Expenses
12                           bus fare to Pasay
140.30                   bus fare Pasay to Sta. Cruz (Greenstar bus)
83                           lunch
45                           jeepney fare Sta. Cruz to Lucan
12                           jeepney fare Lucban to May-it
12                           jeepney fare May-it to Lucban  
6                              balat
18                           mineral water
85                           dinner
12                           jeepney fare Lucban to May-it
12                           jeepney fare May-it to Lucban  
10                           trike fare Lucban
140                         longganisa
370                         other pasalubong
12                           jeepney fare Lucban to May-it
10                           jeepney fare May-it to Lucban  
30                           jeepney fare Lucban to Lucena
204.50                   bus fare Lucena to Pasay Road
100                         dinner at chowking
100                         taxi fare Pasay Road to Baclaran

Total expenses =  1413.80

Quezon Series (Polillo Island trip)


Quezon Part I


Sumali ako sa Pexer’s Polillo trip na inorganized sa Polillo thread sa Pinoyexchange forum. Dahil di ko kilala ang mga kasali sa tour at unang beses kong sasali sa group tour ng mga pexers, inaya ko ang aking favorite travel friend na si Mario para samahan ako at di naman ako nabigo dahil sumama naman sya.

Sumakay kami ng van papuntang Real port at nagbayad ng 220 pesos para sa pamasahe. Nagstop over din ang aming van sa Mabitac Labuna at doon kami nagbreakfast. Nagbayad akong 25 pesos para sa order kong lugaw. Pagkatapos naming lahat magbreakfast ay nagpatuloy na kami sa aming paglalakbay. Pagdating naming sa Real port, dumeretso kami sa terminal office at nagbayad ng 150 pesos para sa pamasahe at 10 pesos naman para sa terminal fee.

May kalumaan at kaliitan ang barkong sinakyan namin pero buti na lang at di masyadong punong puno at may nakuha pa kaming upuan. Iyong nga lang medyo maliliit ang space ng upuan kaya medyo di kumportable ang pagkakaupo pero oks na rin kesa wala. Buti rin at di maalon kaya di nakakatakot ang pagbyahe naming papuntang Polillo.

 ang mga nagmamadaling bumabang pasahero

 Polillo port

trike sa polillo, infairness may registration at lisensya sila

Pagdating naming sa Polillo town, dumeretso kami sa bahay ng aming organizer na si Aslowruler. Doon na rin kami nagtanghalian at nag-ayos ng aming gamit para sa island hopping.  

 ang aming boat

isa pang boat

Ang aming organizer na ang naghanap ng boat naming pero may kaliitan ang boat na dinala so naghanap pa  ulit ng isang bangka. Buti na lang nakahanap ng isa pa kasi siguradong lulubog kami pag sa isang bangka lang kami sinakay ng boatman. Nag-ikot ikot kami sa karagatan malapit sa Polillo. Sayang at high tide, mas maganda sanang pang photo op ang sandbar na aming pinuntahan.

 meet the Pexers and friends


Nagikot ikot pa kami at nagsnorkeling. Nagenjoy din ako sa pagtotour kasi masayang kasama ang mga kasama ko.

Pagkatapos naming mag-boating dumeretso kami sa Bocao beach. Pumunta muna kami sa bahay nila Aslowruler sa bocao at doon nag-wash up. Sarap maligo sa tubig ng balon. Sayang nga lang at di ko napicturan may naligo rin kasi pagkatapos ko kaya nakakahiyang magpicture. Pagkatapos naming maligo bumalik kami sa Bocao beach para ayusin ang aming gamit at dito na rin magpipitch ng aming tent.


Salamat at andun din ang mga kamag-anak ni Aslow kaya sila na ang nagprepare ng aming makakain. Sa beach na rin kami nagdinner at naghanap na lang ang iba ng dahon ng saging para dun ilagay ang aming pagkain. Boodle fight na

  ang isa sa aming bonding  *credits to Barbie Leones for the pics*

Kinaumagahan kahit nagising ako ng maaga umambon sandali kaya natulog ulit ako. Pagkagising ko pumunta kami sa bahay nila Aslow dito sa Bocao para magbreakfast. Bumalik din kamin ng beach at nagphoto-op




Pagkatapos naming i-enjoy ang Bocao Beach bumalik na kami sa Polillo town. Dumaan muna kami sa bahay nila Aslowruler sa Polillo town at doon nagtanghalian at nag-ayos ng dapat pang ayusin. 

Bago umalis ng Polillo dumaan muna kami sa bilihan ng souvenir at bumili ng t-shirt at kung ano ano pang kutkutin.

May dala ring mask at paint ang mga kasama ko. Dapat magmamaquerade party kami ng gabi pero di na nagawa kasi kinulang sa oras. Buti na lang at maalon pabalik ng Real kaya nakagawa sila ng maayos na masks at ang ilan naman sa amin ay natulog, isa na ako dun.. hehe

 sarap ng tulog namin *credits to Jhing Geronimo*

Umalis nga pala ang aming boat ng ala-una ng tanghali. Malaki laki ngayon ang bangkang nasakyan namin kesa sa naunang bangkang sinakyan naming. Maayos din ang aming upuan at solong solo naming ang likod na parte ng bangka. Dito na rin kami nagbayad ng pamasahe (150 pesos)at hindi na sa kanilang terminal. Terminal fee lang ang binayaran namin pagpasok ng Polillo port (2 pesos).


picture picture

Pagdating naming sa Real port marami nang van na nagiintay doon. May mga byaheng Legarda, Sta. Cruz, Laguna at Alabang to Cavite. Nag decide kami na magbus na lang para sama-sama kami sa isang bus. Sumakay kami ng tricycle at nag-intay ng bus sa highway.

Pagkatapos ng ilang minutong pagiintay nakasakay na rin kami sa wakas ng bus. 188 pesos ang pamasahe mula Real hanggang Ortigas.

Masaya ang trip na ito di lang dahil unang beses kong makarating ng Polillo kundi dahil nakakilala na naman ako ng bagong kaibigan sa pagbabyahe at nag-enjoy ako sa trip na ito. Salamat sa nag-organize ng trip na ito dahil kahit marami kami at di masyadong magkakakilala eh naging maayos ang aming trip.

Itinerary

Day 1
2:30am                 Assembly time
3:00am                 Depart Legarda, Manila van terminal (near Raymond bus terminal)
5:30am                 Stop over at a restaurant at Mabitac, Laguna, breakfast
6:45am                 Arrival at port of Real (Brgy. Ungos)
7:00am                 Depart port of Real, start sailing
10:15am               Arrival at port of Polillo
10:30am               Arrival at Aslowruler’s house, lunch and prepare for island hopping
12:00pm               Start touring, snorkeling
5:00pm                 Arrival at Bocao beach, pitch tent
6:00pm                 Dinner and socials

Day 2
7:00am                 Woke up
8:00am                 Break fast at Aslowruler’s relatives’ bocao house
9:00am                 Pack up time and wash up at bocao house
10:30am               Depart Bocao beach, off to Polillo town (Aslowruler’s house)
11:00am               Arrival at Polillo town, lunch
12:00pm               Arrival at Polillo port
1:00pm                 Depart Polillo port
3:30pm                 Arrival at Ungos, ride tricycle and wait for the bus going to Manila
4:00pm                 Depart Real
9:30pm                 Home sweet home


Expenses

220                         van fare manila to real
25                           lugaw
150                         fare real to polillo
10                           terminal fee real port
200                         boat rental and food expenses
70                           additional expenses for the food
165                         polillo tshirt
38                           gatorade
12                           ice cream
2                              terminal fee polillo port
150                         boat fare polillo to real
10                           trike fare to highway from real port
188                         bus fare real to ortigas
50                           burger
18                           mineral water
25                           bus ortigas to baclaran

Total expenses =  1315