Quezon Part II
Dahil nag-enjoy kami sa unang beses naming bisitahin ang Lucban at umattend ng Pahiyas festival bumalik ulit kami ngayong taon para makisaya sa kanilang fiesta.
Nagkita kita kami ng mga kasama ko sa terminal ng Greenstar sa Buendia, Pasay. Sumakay kami ng bus papuntang Sta. Cruz, Laguna at alas diyes kinse umalis na ang bus. Lagpas 2 oras na byahe kami nakarating ng Sta. Cruz. Kumain muna kami ng tanghalian sa katapat na mga karinderya ng terminal ng jeep papuntang Lucban, Quezon. Mabuti na lang at di pa ganoon karaming taong papuntang Lucban.
Pagdating namin ng Lucban, sumakay ulit kami ng jeep papuntang May-it. Dito kasi kami magoovernight. Sa spring resort ng kaopisina ng kaibigan kong si Mario kami nakituloy. Nagbigay na lang kami ng tig-200 pesos para sa lodging at para sa agahan namin. Nagpahinga muna kami sandali at bumalik na rin ng Lucban para mag-ikot ikot.
ang brrrr sa lamig na swimming pool
Maaga palang marami nang bahay na may dekorasyon. Ang ganda ng mga bahay ngayon. Mas naenjoy ko ngayon kahit di pa kumpleto ang palamuti sa mga bahay na sumali.
Pagkatapos naming magikot-ikot nagdinner kami sa Mustiola’s. Maraming taong kumakain doon kaya medyo mahirap kumuha ng upuan at table. Buti na lang at may natapos nang kumain kaya doon kami dali-daling pumwesto. Nung umoorder na kami, medyo di organisado ang pagpila ng mga customers. Tinanong ko ang isa sa mga staff ng Mustiola’s kung saan ang unang pila sabi nya kahit saan daw. Ngeks, ganun pala talaga doon.
Pagkatapos naming magdinner nagikot-ikot ulit kami at nung napagod kami nagdecide kaming bumalik na ng May-it.
Pagdating naming ng May-it nagkwentuhan muna kami at nagbonding.
inuman sessions *credits to Mario Jose*
Naligo rin kami sa pool kaya lang sobrang lamig kaya di ako nagtagal sa pagsiswimming. Natulog na rin kami pagkatapos naming magswimming.
Kinabukasan nag-ayos na kami para bumalik ng Lucban. Di naman kami nahirapang sumakay papunta pero grabe ang traffic na sinuong namin. Ang layo din ng babaan ng jeep pero pareho lang ang pamasahe na siningil sa amin. Sumakay pa kami ng tricycle papasok ng Lucban pero hanggang doon lang din kami sa may tulay at di na rin daw makakapasok ang trike.
Pagdating namin ng Lucban pumunta na kami sa mga simbahan para doon simulan ang pagiikot. Doon na rin kami nagkita-kita ng mga kasama naming noong araw lang dumating. Doon din kami nagmeet ng mga kakilala kong Pexers na naglilibot din sa Lucban.
girltalkers at Lucban church *photo credits to Kelly Bontia*
pexers at Lucban church.. ako na ang maraming forum... hehe *photo credits to Wilma*
Pagkatapos naming maglibot pumunta kaming bahay nila JR (owner ng homestay na tinuluyan namin last year) at doon nagtanghalian. Pagkatapos naming magtanghalian bumalik na kami ng May-it.
Bonggang lakaran na naman ang aming sinuong pabalik. Ang init at ang daming tao at sasakyang sinalubong naming papuntang sakayan ng jeep. Pagdating naming ng May-it nagpahinga muna kami at pagkatpos ng ilang oras umalis na rin kami ng resort.
Nahirapan din kaming sumakay papuntang Lucena kaya nagdecide kaming maground trip na lang. Kaya late na kami nakapunta ng Lucena at nakauwi ng aming bahay.
Natutunan ko sa lakad na ito na maagang umalis para di matrapik sa daan. Sa Lucban proper na kami kumuha ng bahay na rerentahan para di mahirapan sa byahe. Pero kahit daming hassle sa lakad na ito, nagagawa pa rin naming magtawanan at maglokohan sa kabila ng tagal ng pagiintay. Naenjoy pa rin naming an gaming trip sa kabila ng lahat. =)
Itinerary
Day 1
9:30am Assembly time
10:15am Depart Greenstar Pasay Terminal
12:40pm Arrival at Sta. Cruz, Laguna; lunch at a carinderia near jeep terminal
1:40pm Depart Sta. Cruz, off to Lucban, Quezon
3:00pm Arrival at Lucban, ride jeep to May-it
3:30pm Arrival at May-it
4:30pm Back to Lucban, site seeing
7:00pm Dinner at Mustiola’s, site seeing again
8:00pm Back to May-it
Day 2
7:00am Wake up, breakfast
9:30am Off to Lucban
11:30am Arrival at Lucban, site seeing
1:00pm Lunch
2:30pm Depart Lucban
3:00pm Arrival at May-it, pack-up
4:30pm Depart May-it, wait for the jeep going to Lucena.
5:30pm Decided to ride a jeep going to Lucban,instead. Depart May-it
6:30pm Arrival and Depart Lucban
8:00pm Arrival at Lucena Grand Terminal, dinner at Chowking
9:30pm Depart Lucena
1:30am Home sweet home
Expenses
12 bus fare to Pasay
140.30 bus fare Pasay to Sta. Cruz (Greenstar bus)
83 lunch
45 jeepney fare Sta. Cruz to Lucan
12 jeepney fare Lucban to May-it
12 jeepney fare May-it to Lucban
6 balat
18 mineral water
85 dinner
12 jeepney fare Lucban to May-it
12 jeepney fare May-it to Lucban
10 trike fare Lucban
140 longganisa
370 other pasalubong
12 jeepney fare Lucban to May-it
10 jeepney fare May-it to Lucban
30 jeepney fare Lucban to Lucena
204.50 bus fare Lucena to Pasay Road
100 dinner at chowking
100 taxi fare Pasay Road to Baclaran
Total expenses = 1413.80
No comments:
Post a Comment