February 2, 2008
Pagkatapos ng mahigit 2 linggong pagpaplano sa pag-akyat ng Pinatubo, atlast natapos na rin ang pagpaplano. Napagkasunduan naming magkakasama na magkita-kita na lang sa victory liner ng 3:30 ng umaga. Ang apat kong kasama ay nakitulog na lang sa kaopisina namin na taga Makati. Hindi na ako sumama kasi mas malapit ang bahay namin sa victory kesa doon. At makakapagluto rin ako ng baon ko kung sa amin ako matutulog.
Dumating ako ng 3:15am sa Victory Liner at dahil mas marami sila sa akin mas natagalan silang dumating. Around 4am dumating na sila at sakto rin naman na nagpapasakay na ang bus na papaalis papuntang Pangasinan. Bumili na kami ng ticket papuntang Capas, Tarlac 148 ang binayaran namin sa ticket at 5 naman para sa insurance fee.
Pasado alas 4 na kami nakaalis ng terminal. 7am dumating na kami ng Capas. Nagtanong kami sa mga trike driver kung saan ang sakayan pa-Patling pero sinabi nila na wala pang jeep na bumabyahe, pero meron naman. 40 ang binayaran namin sa trike bawat isa sa trike papuntang Patling. Pagdating ng Patling sinundo na kami ng 4x4. 2500 ang usapan namin sa rent ng 4x4 pero 2950 ang siningil sa amin. 500 naman para sa guide, 500 rin para sa toll sa skyway at 250 naman para sa environmental fee (5 kasi kami at 50 ang isa). Pagkatapos namin nagparegister at magbayad, sinimulan na namin ang aming byahe.
2 hours ang binyahe namin papuntang jump off point. Kumuha kami ng tungkod para may support na rin sa pagtetrek namin. Marami kaming dinaanang mga sapa at dahil nakatsinelas lang ako, pinabayaan ko na lang mabasa ang paa ko. After 45 minutes of trekking natapos na rin ang aming paglalakad at pagkakita namin sa crater nawala na ang mga pagod namin.
After naming magpicture picture kumain na kami doon at inenjoy ang lugar. Naligo ako at si Mar. Ang sarap maligo.Malamig ang tubig pero ok lang. After naming maligo at magbihis nagpahinga na kami at after 1 hour ng pahinga, we decided na bumaba na. 130pm bumaba na kami at sinimulan na ang paglalakad.
Mas mahabang oras ang nilakad namin pauwi siguro sobrang 1 oras ang paglalakad namin. Dahil na rin siguro sa pagod sa paglalakad. Dumating kami ng Sta. Juliana ng 330 at naglinis ng katawan ang mga kasama ko.
Dahil sa pagod di na ako tumayo sa inuupuan ko. 4pm dumating kami ng Patling. Naghanap kami ng jeep na masasakyan at sinabi sa amin na 200 lang daw ang rent ng jeep at kami lang daw ang pasahero pero nagsakay naman ang driver ng kaya di kami pumayag na 200 ang binayaran at nagbayad na lang kami ng regular fare na 22 pesos bawat isa. 430pm na kami nakarating ng Capas at kumain na lang kami sa jollibee. After naming kumain humiwalay na ako sa kanila at dumeretso ako ng baguio... 235 ang pamasahe at 9pm na ako dumating ng baguio.
Wendel - 09196084313 - driver and owner of 4x4 - pwede kayong magpahatid at sundo sa capas town
Jun Lennon - 09208035647 - driver and owner of 4x4 - pwede kayong magpahatid at sundo sa patling.
tingnan nyo na lang po kung san mas ok sa inyo.