Sunday, April 24, 2011

Cagayan Tour

March 27, 2010 - March 31, 2010

Day 1

As usual maaga akong umalis ng bahay para pumunta ng Terminal 3. 845am pa ang flight ko pero nandun na ako ng 5:30am. Ayaw ko atang maiwan ng eroplano. Ang dami na ring tao sa airport. Inintay ko pa ang mga kasama ko para magcheck-in. Nung dumating na sila dumeretso na kami sa waiting area.


Matagal-tagal din kaming nag-intay kasi masama daw panahon sa Tuguegarao. 9am na kami nagboard at 925am naman kami nakaalis ng manila. 1025am kami dumating sa Tuguegarao City.

Pagkatapos naming kunin ang mga bagahe namin lumabas na kami para i-meet ang contact namin sa Cagayan. Medyo makulimlim nga doon kaya pala nadelay ang aming flight. Dumeretso na kami sa house ng kakilala ng kasama ko at nagpahinga sandali.

Buti na lang din may kakilala iyong may-ari ng house na van rental papuntang Sta. Ana. Mura lang ang singil sa amin, 2500 lang kaya kinagat agad namin. Pero iba pa rin ito sa tour namin ng araw na iyon at kinabukasan. May hinire din kaming trike para iikot kami sa city pati sa callao cave.

11am sinimulan na namin ang aming tour. Inuna naming puntahan iyong tindahan ng pansit na malapit sa St. Paul. Kain muna bago lumibot.

After naming kumain pumunta kami sa

San Jacinto Church

Hyacinth


Horno
       


                                                          Iguig Church at Calvary HIlls

Pagkatapos naming maglibot-libot, bumili na kami ng pagkain para sa hapunan at umuwi na. Maaga rin kaming natulog para maaga rin kaming magsimula sa tour namin kinabukasan.
Day 2

Alas 6:45 ng umaga umalis na kami sa tinutuluyan namin. Hinatid kami ng trike papunta sa sakayan ng van papuntang Piat Church. 60 pesos ang regular rate papuntang Piat pero binayaran na rin namin iyong para sa isang pwesto para maayos ang pwesto namin. 80 ang binayad namin bawat isa. 7:50am dumating kami ng Piat. Lumakad kami ng kaunti papuntang simbahan.

       
Our Lady of Piat Church

Umattend kami ng mass at doon na rin kumain ng lunch. 1:00pm umalis na kami ng Piat at sumakay ulit ng van pabalik. Sinabi namin sa driver na ibaba kami sa Buntun Bridge dahil dun kami susunduin ng trike papuntang Callao Cave.

   
Buntun Bridge (Luzon's Longest Bridge)

Hapon na kami nakarating sa Callao Cave. Nagparegister muna kami at nagbayad ng registration fee (20 pesos). Ilang minuto na rin kaming naglakad papunta sa cave.
    

   
 
   

Pagkatapos naming lumibot sa cave at park, pinag-usapan muna namin kung itutuloy ba namin kung itutuloy namin iyong bat encounter. Pero di na kami tumuloy, baka kasi gabihin na kami sa pag-uwi.

Dumaan muna kami sa restaurant para bumili ng dinner. At dahil kaarawan ko ng araw na iyon bumili sila ng cake at ako naman bumili ng pansit.  Pagkatapos naming magdinner, nagpahinga at natulog na kami.

Day 3

Maaga kaming sinundo ng van para ihatid at magtour na rin sa mga site na madadaanan papuntang Sta. Ana, Cagayan.

Eto nga pala ang mga napuntahan namin:
St. Claire Church

Alcala Milk Store
Alcala Church

Viewdeck facing Magapit Suspension Bridge

Lal-lo Church
Camalaniugan Church and bell tower

Ala-una y medya na kami nakarating sa Jotay resort sa Sta. Ana, Cagayan. Maganda iyong pwesto ng Jotay Resort beach front atsaka malinis iyong lugar. Iyon nga lang matagal ang service nila sa food. Niluluto pa kasi iyong pagkain. Tagal naming nag-intay ng pagkain namin. Sinabay na rin namin iyong driver at kasama nya sa lunch. Nag-extend kasi kami ng oras at nakakahiya din na di sila pakainin.

Pagkatapos naming kumain at magpahinga, naglakad-lakad kami papuntang palengke. Dun kasi ang sakayan papuntang San Vicente port papuntang Palaui Island at Anguib Cove. May kinausap kaming trike driver at hinatid at sundo kami sa San Vicente 200 ang bayad namin papunta at pabalik.

15 minutes ang binyahe namin mula Sta. Ana hanggang San Vicente port. Naghanap na rin kami ng boatman para sa tour namin kinabukasan. Nakausap namin si Kuya Ronnie at nagkasundo kami na ihatid kami sa Palaui at Anguib Cove. Pagkatapos naming makipagusap bumalik na kami sa Jotay.

Day 4

Alas 8 ng umaga nagsimula na ang aming tour sa Palaui. Hinatid kami ni Kuya Ronnie sa Palaui island at susunduin na lang daw ng 1pm. Habang bumabyahe kami umaambon at malakas din ang alon kaya basang basa kami pagdating namin sa Palaui. Wala rin iyong naka-assign sa registration kaya nag-intay pa kami. Pagdating nya may kasama na syang 2 guide para samahan kami sa Cape Engano. Sabi sa amin 2 oras lang daw ang trek. 250 nga pala ang bayad sa bawat guide.

Maganda sana ang view sa Palaui Island kaya lang medyo makulimlim pero ok na rin.
   
   

Ang ganda ng view papuntang Cape Engano. Iyon nga lang ang tagal naming naglakad, 3 oras din iyon. Ilang beses kaming pumanik at bumaba ng bundok.  Worth it naman ganda ng view pero ayaw na naming maglakad pabalik.
    Cape Engano


Maganda rin ang view sa baba mula sa taas.
 






Pagbaba namin, nagdecide na kaming wag nang maglakad pabalik. Buti na lang may nakasabay kaming mga Chinese na nagpunta ng lighthouse kaya sumabay na lang kami pabalik ng San Vicente. 600 ang binayad namin sa boat pabalik. 45 minutes ang tinagal ng byahe namin mula Cape Engano hanggang San Vicente Port. Pagbalik namin sa San Vicente port inintay namin si Kuya Ronnie para ihatid kami sa Anguib Cove.

Ang ganda ng view papunta. Buti na lang nagboat kami papunta doon. Dumaan kami sa mga mangroves, feeling nasa Amazon River kami... hehe

 

Maganda din sa Anguib Cove, white sand din at marami-rami rin ang bisita pero di naman ganun ka-crowded.

Pagkatapos naming maligo at kumuha ng picture at nung magdidilim na nilisan na rin namin ang Anguib Cove. 15 to 20 minutes ang binyahe namin papuntang Anguib at ganun din ang pabalik ng San Vicente Port.

Pagdating namin sa San Vicente Port nagbayad na kami kay Kuya Ronnie para sa aming tour. 650 para sa Palaui at 1200 naman para sa Anguib pero tinawaran namin ng 1600 ang bayad sa boat pumayag naman si Kuya. Eto nga pala si Kuya Ronnie (09194203036 contact number ni kuya ronnie) at boat nya.

Day 5

Maaga kaming nagising para mag-ayos ng gamit at pumunta na rin sa Ilocos. Nagcheck out na rin kami after naming magbayad (1850 per night ang beachfront at 1500 naman ang hindi). Eto nga pala ang Jotay Resort pati na ang room namin.
 
 

3 comments:

  1. kakaalis naman itong post mo! gusto ko na tuloy pumunta sa cagayan :)

    ReplyDelete
  2. Wow! Daming simbahan na magaganda sa Cagayan, at mala-Batanes pala view sa Palui Island. Tanong ko lang, magkano nagastos ninyo kada tao at ilan kayo?

    ReplyDelete
  3. amazing! just what I needed.
    may itinerary ka Jen and gastos report? =)

    ReplyDelete