Monday, April 4, 2011

Pahiyas Festival and Cagbalete Island Trip

May 14-16, 2010 

Day 1
Maaga kaming nag-out sa office para maabutan namin ang huling byahe ng jeep sa Sta. cruz, Laguna papuntang Lucban, Quezon. Bago dumating ang 2pm nasa bus terminal na kami ng Greenstar [near JAM Liner and JASHS - Arellano University] at umalis din ng 2pm ang bus sa Pasay Terminal. Dumating kami sa Sta. Cruz ng 5pm at pumunta na sa terminal ng jeep. 630pm na kami nakarating ng Lucban, Quezon. Pumunta na kami sa homestay na kinontact ng friend ko. Nasa Aguilar Street iyong homestay nila JR. Pagkatapos naming magpahinga sandali, lumibot na kami at pumunta sa kamag-anak ng friend ko para magdinner.




Nung bisperas palang ng pahiyas marami-rami na ring mga bahay ang may mga dekorasyon. Iyong iba sinisimulan palang gawin at iyong iba naman patapos na rin. Ang gaganda ng dekorasyon at makukulay. At kahit bisperas palang ang dami nang tao sa Lucban pero nag-enjoy pa rin kaming apat sa paglalakad lakad sa mga kalye ng Lucban. Nung napagod na kami bumalik na kami sa homestay.

Day 2

Nalate kaming gumising kinabukasan. Napagod din kasi kami kakalakad nung gabi at dahil na rin siguro sa byahe. Pagkatapos naming mag-agahan deretso na kami sa pagiikot. Tulad nung reaksyon ko nung unang kita ko sa mga bahay na lumahok sa Pahiyas nagandahan pa rin ako, ang kukulay kasi at ang gagaling magdisenyo ng mga tao dun. Nag-enjoy talaga ako sa kakatingin at kakakuha ng litrato.






Ang dami rin ng nagtitinda ng sumbrero doong yari sa buri. Marami ring tinda sa plaza mula pagkain, damit, at kung ano anong souvenir items. Syempre bumili ako ng ref magnet na kinokolekta ko.



Alas-diyes ng umaga bumalik na ulit kami sa homestay at inayos na ang aming mga gamit. Pumunta ulit kami sa bahay ng kamag-anak ng kaibigan ko at nagtanghalian at humingi na rin ng babaunin para sa susunod naming adventure.

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa homestay at kinuha na ang gamit namin. 1500 ang binayad ng kaibigan ko sa homestay. Malinis naman at mabait ang may-ari ng bahay. Nilibre pa nya kami ng babauning coke papuntang Cagbalete.

Dahil pyesta nagreroute ang mga jeep na bumabyahe ng Lucban-Sampaloc kaya sa crossing kami sumakay ng jeep. Byaheng Lucban-Sampaloc ang sinakyan namin pero kinontrata kami ng driver na ihahatid kami sa Mauban. 300 para sa apat na tao ang singil sa jeep mula Sampaloc-Mauban, 27 naman ang binayad namin bawat isa mula Lucban hanggang Sampaloc. 1230pm kami umalis ng crossing at 140pm naman kami dumating sa Mauban. Medyo malubak ang rutang [Lucban-Sampaloc-Mauban] at maalikabok pero oks lang dahil sanay naman kami sa ganoong byahe. Iyon nga lang ang kasunduan sana namin ng driver ng jeep eh sa pier kami ihahatid pero ang layo ng pinagbabaan nya. Nagpalit kasi ng driver kaya di alam nung kapalit.

Buti na lang nakita namin si Kuya Nilo trike driver na mabait at sinamahan kami sa pagbili ng styro at paghahanap ng yelo. Kinuha na rin namin cp number nya para sya na rin ang sumundo sa amin kinabukasan. Bumili kami ng mga kakailanganin namin para sa pag-oovernight namin sa Cagbalete island pagkatapos nun dumeretso na kami sa pier at sumakay sa public boat. Ilang oras din kaming nag-intay napaaga kasi kaming dumating sa pier. 4pm pa kasi ang alis ng public boat at 11pm naman ang naunang byahe galing Mauban hanggang Cagbalete.



345pm umalis na ang public boat dahil puno na at malapit na rin sa oras ng alis. Medyo maalon na nung bumyahe kami kaya iyong ilang pasahero ay nabasa. Pagkatapos ng isang oras na byahe nakarating na kami sa Cagbalete. May kalayuan ang babaan kaya nagpasya kaming kumuha ng boat na maghahatid sa amin sa Pansacola. Si Kuya Udoy ang kinuha naming boatman at hinatid nya kami. May mga bata rin doon na nagaalok na maging taga-buhat ng gamit namin.200 ang binayad namin kay Kuya Udong at binigyan namin ng tag-50 iyong mga batang nagbuhat ng gamit namin.

Buti na lang high tide nung dumating kami kaya resort mismo kami bumaba. Pagdating namin sinalubong kami ni Mrs. Pansacola. Sinabihan kami na hanap na lang kami ng pupwestuhan basta wag daw sa bandang harapan kasi magpophotoshoot daw iyong mga photographers doon.




Nang makakita na kami ng pupwestuhan nagpitch na kami ng tent at nagluto. Mag-night swimming sana kami kaya lang tinamad na at pagod na rin sa byahe kaya pagkakain natulog na kami.

Day 3



Mga 6am na ako gumising at bumangon. Nagpicture picture sandali at tumulong na rin sa pagaayos ng almusal namin. Inubos na lang namin iyong pagkain namin nung dinner at kumain ng tinapay. Nagbigay din ng hot water ang Pansacola. 

High tide pag umaga kaya malapit lang ang paglalanguyan. Pero pagdating ng 11am low tide na kaya maganda na ring kumuha ng litrato at magsawa sa walang kamatayang jump shot.



Sinundo na rin kami ni Kuya Udoy sa pwesto namin at may mga bata ulit na nagbuhat ng gamit namin. Naglakad kami ng medyo malayo layo dahil low tide na. Pagdating namin sa hinintuan ng public boat nagbayad na kami kay kuya ng 200 at pumwesto na. Marami rami na ring tao pagdating namin. 1230pm na kasi kami dumating at 1245pm naman umalis ang boat pabalik ng mauban. 40 pesos ang bayad namin sa public boat.





Pagdating sa Mauban sinundo kami ni Kuya Nilo at nagpahatid kami sa sakayan ng jeep papuntang Sampaloc. 27 pesos ang binayad namin sa jeep. Pagdating namin sa Sampaloc sumakay ulit kami ng jeep papuntang Lucban, 17 naman ang pamasahe.

Pagdating namin sa Lucban pinaiwan namin iyong bag namin sa homestay. Buti na lang pumayag sila kasi medyo malayo iyong house ng kamag-anak ng friend namin. At mahirap gumala ng may dalang bag.Kumain muna kami sa Central ng pansit miki at chammy at nagikot ikot sa Lucban para sa pasalubong. 6pm na kami umalis ng Lucban at grabe sa haba ng pila ng jeep pabalik ng Sta. Cruz. Buti na lang maraming bumabyahe kaya mabilis lang ang pila. Pagdating sa Sta. Cruz sumakay na kami ng bus sa terminal ng Jam Liner papuntang Pasay.

Kahit na nakakapagod ang trip nag-enjoy pa rin ako dahil sa Pahiyas at pagbisita sa Cagbalete. Nung una kinocompare pa namin ang Cagbalete Island sa Calaguas Group of Islands pero may angking ganda rin ang Cagbalete na wala sa Calaguas. Tama ang isang ka-sis ko sa gt may kanya kanyang ganda ang bawat isla dito sa Pinas. At masasabi kong, tulad ng signature ko sa gt, na maganda talaga ang Pinas.

Expenses

Day 1
140. 25 - bus pasay-sta. cruz [greenstar bus]
45 - jeep, sta. cruz-lucban
500 - lodging at food
45 - ref magnet
20- key chain
150 - 2 shorts sa ukay

Day 2
50 - breakfast
10 - trike lucban to crossing
27 - jeep lucban to sampaloc
75 - jeep sampaloc to mauban [kinontrata lang ang driver, para tuloy tuloy]
15 - trike mauban to pier [10 pesos lang talaga ang singil sa amin kasi dumaan pa kami sa bilihan ng styro at yelo kaya binigyan namin ng tip]
40 - public boat mauban to cagbalete [11am at 4pm ang daily trips]
25 - tip sa mga batang nagbuhat
50 - boat cagbalete to pansacola [200 per boat/4pax]

Day 3
50 - boat pansacola to cagbalete
27 - jeep mauban to sampaloc
17 - jeep sampaloc to lucban
50 - pansit, tinapay at coke
200 - pasalubong
8 - trike, centro to aguilar street
45 - jeep lucban to sta. cruz
140.30 - bus sta. cruz to pasay
85 - taxi pasay to baclaran
1814.55 total expenses

ITINERARY

Day 1
2pm - Depart Pasay
5pm - Arrival Sta. Cruz, Laguna
630pm - Arrival Lucban, Quezon
7pm - explore lucban town and dinner
11pm - Back to homestay
    
Day 2
7am - breakfast
730am - sight seeing and photo op for Pahiyas Festival
1030am - back to homestay, arrange things
11am - lunch
12pm - back to homestay, check out
1230pm - crossing lucban, quezon. ride jeep going to sampaloc
140pm - arrival mauban, buy things and food to bring for our Cagbalete adventure
2pm - arrival mauban pier
345pm - depart mauban pier
445pm - arrival cagbalete
450pm - arrival pansacola resort
5pm onwards - pitch tent, prepare dinner, dinner, shower, rest

Day 3
6am - wake up
7am - prepare breakfast
730am - breakfast
8am - picture picture
830am - swimming
10am - shower
11am - picture picture
1230pm - depart pansacola
1pm - depart cagbalete [7am and 1pm daily trips]
135pm - arrival mauban
145pm - arrival jeep terminal to sampaloc
230pm - arrival sampaloc, ride jeep to lucban
320pm - arrival lucban
325pm - leave things at the homestay
335pm - late lunch at Central, eat pansit miki and chammy
4pm - explore, buy pasalubong, get things at the homestay
6pm - depart lucban
710pm - arrival sta. cruz
950pm - arrival pasay
1010pm - home sweet home

Contacts

JR [homestay-lucban] - 09089134043 
romel pansacola -  09285058633
kuya nilo [trike driver mauban] - 09219858522
kuya udoy [boatman cagbalete] - 09182233607

2 comments: