Sunday, April 3, 2011

I Love Davao

 March 10, 2011 to March 13, 2011

Yup love ko talaga ang Davao kahit di ako taga dito. Bukod sa Palawan at Ilocos na ilang beses ko na ring binalik-balikan ito ay isa sa mga lugar sa dito sa Pilipinas na di ako magsasawang puntahan kahit ilang ulit pa.
At dahil pangatlong beses ko nang punta dito ako na ang nagprisintang gumawa ng IT para group namin. Iyon nga lang di namin nasunod. Enjoy naman dahil marami rin akong bagong napuntahan.

Salamat rin at nagkaroon ng promo ang Cebu Pacific kaya mura ang pamasahe ko papunta. 180 lang at mas mahal pa ang airport terminal fee ng Manila at Davao.

Bago na rin ang sistema ng Cebu Pacific sa terminal 3 kahit na anong counter pwede kang magcheck in. Pero para sa akin naging mas hassle pa ito kasi mas matagal na ang inintay ko sa pag-check-in palang. 6am ako dumating sa terminal 3 pero nakapasok kami sa boarding area ng 7am na.

May sumundo sa aming kaibigan sa Davao City airport kaya dumeretso na kami sa Crocodile park para maglibot libot.


May nabago na rin sa park na ito. Nagmahal na mula nung una kong punta. Sabagay 50 pesos lang naman ang nadagdag mula sa dating presyo na 100 pesos. May bayad na rin ang pagpapalitrato sa ahas. Dati kasi picture-all-you-can ako with the reptiles. At dahil nasa crocodile park ako syempre marami pa ring crocodile akong nakita. Mula sa maliliit hanggang sa malaking crocodile na kasali sa palabas nila tuwing hapon pag weekend. Kaya kung pupunta ng Crocodile Park itaon sa mga oras at araw na iyon para sulit na sulit ang pagbisita. Kalapit rin ng Crocodile Park ang Butterfly Farm at Tribu K Mindanawan na kasama rin sa binayad na entrance fee sa Crocodile Park.

Sumunod naming pinuntahan ang Zip City. Mag-zipline sana kami kaya lang naunahan ng takot kaya di na kami tumuloy. At balak din kasi naming magzipline sa Eden Nature Park kaya pass muna kami sa zipline ng Zip city.




Bumalik din ako sa Statue of David sa Ecoland. Konti lang tao nung pumunta kami kasi tanghaling tapat. Kakatuwa kasi may mga baby shark sa pool doon.


Di kami nakapagpareserve ng lodging sa Davao dapat kasi sa bahay ng kaibigan ng kasama namin kami tutuloy kaya lang nagbago ng plano at sa DMSF lodging na lang kami tumuloy. 300 per night per person ang rate ng lodging at may mas mura pa kung common cr at non-aircon ang kukunin naming room. 150 pesos naman ang pinakamurang rate nila per person para sa pang-dalawa or tatlong 3 sa isang room.

Sa Bakbak Restaurant kami kumain. Malapit lang din ito sa DMSF at mura ang pagkain nila. Sarap ng sinigang na baboy nila dito.

Samal Inland tour naman ang IT namin para sa pangalawang araw namin sa Davao. Sumakay kami ng taxi papuntang Ecoland pero mabuti na lang at may nakasalubong kaming bus na byaheng Penaplata sa may Magsaysay kaya bumaba na kami at sumakay ng bus.

Sinakay sa roro ang bus patawid ng Samal, akala ko nga di pa kami nakakaalis pero nakalayo na pala kami sa mainland. Sa Babak terminal kami bumaba at inintay si Kuya Jeramil (multicab driver sa Samal).

Una naming pinuntahan ang Monfort Bat Cave na pinarangalan ng Guiness Book of World Records para sa pinakamalaking colony ng fruit bats. Paalala nga pala sa mga dadalaw sa bat sanctuary, wag masyadong maingay dahil baka magulat ang mga mother bats at mahulog nila ang kanilang mga baby. Isang beses lang kasi nangangak ang bat sa isang taon at ang life span lang nila ay 40-50years.



Sunod naming pinuntahan ang Tagbaobo Falls. May kalayuan ito atsaka malubak at pataas ang daan papunta dito. Kung di ka rin pamilyar sa lugar di mo alam kung saan ang daan papuntang falls, buti na lang at may mga batang nagdadaan kaya nagpasama kami papunta sa falls. Di rin kasi masyadong kabisado ng driver iyong papunta sa falls dahil bihira lang din syang pumunta dun. Madulas at di rin maayos ang daan papunta sa falls kaya ingat ingat din sa paglalakad.


Nagtanghalian na kami sa market ng Penapalata pagkatapos naming pumunta ng Tagbaobo falls. Pagkatapos naming magtanghalian bumyahe na kami papuntang Hagimit falls. Habang bumabyahe medyo dumidilim na. Medyo umaambon nang dumating kami ng Hagimit.




Umulan din habang nasa Hagimit kami kaya nagtagal kami dito. Dumaan din kami sa Fernandez beach Resort kaya lang umuulan kayo di na kami pumasok. So dumeretso na kami sa Moncado Village (Samal White House).




May nabasa na rin akong blog tungkol dito pero di ko rin akalain iyong nakita at naramdaman ko. At dahil dito, isa ito sa mga gala kong di ko malilimutan.

Papunta na kami sa Paradise Island Resort nang makakuha kami ng mga text at tawag na may tsunami alert daw dito sa Davao. Pinayuhan kami ng mga kaibigan at pamilya namin na wag daw pupunta malapit sa dagat, eh nasa dagat kami.

Mag-iikot ikot sana kami sa resort kaya lang nakakatakot ang mga balitang nakuha namin kaya nagdecide na kaming bumalik ng Davao City. Mas maiksi lang din kasi ang byahe kung dito kami manggagaling kaya di na kami bumalik pa ng Babak. Buti na lang wala pang 5pm kaya marami pang bangka ng Paradise Island resort ang bumabyahe. Alas 5 kasi ang last trip pabalik ng Davao City.



Nagpalipas kami ng ilang oras bago lumabas ng lodging dahil na rin sa tsunami scare. Nang marealize namin na wala naman sa Davao City lumabas na kami at naghanap ng makakainan. Kumain kami sa Barbecue Boss malapit sa Torres St. Panalo ang 5pesos pork bbq nila.

Nagvideoke din kami sa K1 along Torres St. din. 300 per hour ang rate nila.

Kinabukasan ay para naman sa EB namin ng mga ka-yahoo group ko na taga Davao City. Bumalik din kami sa statue of David at sa baywalk.


Sa isang restaurant sa Times beach kami naglunch. Pagkatapos nito ay pumunta na kami sa Victoria Mall para sa EB. Bumalik din kami sa Bakbak Restaurant para doon magdinner. Nagvideoke ulit kami pero sa Cats and Dogs sa Rizal St. naman. 100 per hour ang rate doon pero mas maganda at malinis sa K1.

Last day namin sa Davao City. Unang destinasyon namin ang Philippine Eagle Center. May lumapit sa aming 2 dalagita at nagvolunteer na i-guide kami. Pangatlong beses ko na ring bumisita dito pero ngayon lang din ako nakasakto na may guide na kasama sa park. Sayang nga lang at wala iyong caretaker ng eagle para sana magpapicture kasama ang Philippine Eagle.


Ok lang naman din dahil nakapagpapicture kami kay alex the eagle na malapit sa lagoon.



Nakita ko rin doon iyong block na may pangalan namin. Nagdonate kasi kami ng mga kaibigan ko nung dumalaw kami dito.


Pagkatapos naming maglibot-libot dito pumunta kami ng Malagos Garden kaya lang di na kami pumasok. Gutom na rin kami kaya pumunta na kami sa hitoan sa Los Amigos. Maraming tabi-tabing restaurant dito at hito ang specialty nila. Sarap ng fried at grilled hito nila. Busog na busog kaming lahat.

Pagkakain pumunta kami sa tindahan ng durian candies at bumili ako ng durian ice cream. Sarap din nito. Dumaan din kami sa isang bake shop at bumili ng cake para sa kasama namin. Bumili rin kami ng isda sa Citra Mina para pampasalubong.

Bumalik din kami sa Paradise Island Resort para mag-photo ops.





Pagbalik namin ng Davao City dumaan kami sa fruit stand at sa Aldevinco. Dahil linggo noon maraming saradong tindahan sa Aldevinco. Nakabili pa rin naman kami ng pasalubong pero wala iyong hinahanap ko. Kung bukas lang sana marami akong mapagpipiliang tindahan.

Magdidinner sana kami sa Edong's kaya lang mukhang kukulangin na kami sa oras kaya pumunta na rin kami sa airport para makapag-check-in na kami ng gamit at saka na lang magdinner. Chineck ng mga taga-Airphilippines ang confirmation letter namin at sinabing may problema ang booking namin. Wala raw kami sa list pero ichecheck pa daw. Buti na lang naayos din nila dahil di naman pwedeng wala kami sa list at nakapagpabook naman talaga kami. Pagkakuha namin ng boarding pass nagbayad na kami ng terminal fee at lumabas para magdinner. May mga makakainan sa labas ng terminal at malapit sa parking. Pagkakain nagpaalam na rin kami sa mga kasama namin at nangako kami na babalik ulit dito.
At tulad ng nakalagay sa aking t-shirt I love Davao, Philippines talaga. Babalik pa rin ako dito... soon. =)

ITINERARY

Day 1
5:45am - rode a taxi to airport (baclaran - terminal 3)
6:00am - arrival at terminal 3.
8:25am - boarding time
9:40am - arrival davao airport
10:30am - crocodile park
11:30am - zip city
12:00pm - lunch at dencio's
1:00pm - Ecoland and baywalk
1:30pm- subdivision tour, went to a friend's house
3:00pm - back to airport, fetch a friend
4:00pm - proceed to DMSF, check-in and proceed to Victoria mall
7:00pm - back to airport, fetch another friend
8:30pm - dinner at Bakbak Restaurant
10:30pm - back to DMSF

Day 2

7:00am - breakfast near DMSF
7:30am - proceed to Magsaysay
8:00am - rode a bus going to Penaplata
9:00am - alight at Babak terminal. meet Kuya Jeramil and start Samal Inland tour
9:20am - arrival at Monfort Bat Cave
10:20am - proceed to Tagbaobo Falls
11:00am - jump-off start trekking to Tagbaobo falls
11:20am - Tagbaobo Falls, photo ops
11:40am - proceed to Penapalata market for lunch
12:20pm - lunch at Penaplata market
1:00pm - proceed to Hagimit Falls
1:30pm - Hagimit Falls entrance
3:30pm - depart Hagimit falls
3:45pm - Fernandez Beach Resort
3:50pm - proceed to Moncado Village
4:20pm - arrival at Moncado Village
4:35pm - depart Moncado Village proceed to Paradise Island Resort
4:50pm - Paradise Island Resort, change clothes
5:00pm - back to Paradise wharf
5:15pm - arrival at Paradise wharf
5:50pm - arrival at DMSF
8:30pm - dinner at Barbecue Boss and videoke at K1.
2:00am - back to DMSF

Day 3

10:30am - left DMSF proceed to Ecoland
11:00am - Ecoland
12:00pm - lunch at Times beach
1:00pm - proceed to Victoria Mall
1:30pm to 6:00pm - yahoo group EB
6:10pm - DMSF
6:30pm - proceed to SM Davao
7:20pm - proceed to Bakbak Restaurant
10:00pm - cats and dogs ktv at Rizal St.
12:00am - back to DMSF

Day 4

8:00am - check-out DMSF
8:20am - breakfast at Blue Carabao
8:50am - start Davao City tour
10:30am - arrival at Philippine Eagle Center
11:30am - lunch at hitoan sa Los Amigos
1:30pm - bought pasalubong at Citra Mina, proceed to paradise island resort wharf
2:00pm - Paradise Island Resort
4:00pm - back to wharf
4:15pm - wharf
4:30pm - bought pomelo and marang at fruit stand
5:00pm - Aldevinco
6:30pm - back to airport
7:00pm - Davao city airport, check-in
7:45pm - dinner
10:00pm - boarding time
11:30pm- arrival at Manila

Expenses

Transportation

Airfare mla to dvo 80.00
airfare dvo to mla 788.00
taxi house to t3 100.00
terminal fee 200.00
taxi dmsf to magsaysay  19.50
bus magsaysay to babak  30.00
ferry paradise resort to paradise wharf 15.00
ferry paradise wharf to paradise resort 15.00
ferry paradise resort to paradise wharf 15.00
taxi paradise wharf to dmsf 33.75
trike dmsf to terminal near victoria mall 6.00
taxi victoria mall to dmsf

taxi dmsf to sm  82.00
taxi sm to bakbak

taxi k1 to dmsf 12.50
taxi cats and dogs (rizal) to dmsf 28.00
taxi t3 to house 80.00
terminal fee manila 200.00
terminal fee davao 200.00

1904.75 1904.75



Lodging
900.00



Tours

crocodile park 50.00
samal inland tour multicab rent 650.00
bat sanctuary 30.00
tip sa bat sanctuary 40.00
tagbaobo falls tip sa mga batang guide 100.00
hagimit falls  35.00
paradise resort 100.00
malagos watershed 5.00
philippine eagle center 50.00
paradise resort 100.00
van rental davao city tour 410.00


1570.00



Food and Drinks

mineral airport 35.00
mineral and hopia at crocodile park 69.00
lunch at dencio's 1st day 100.00
dinner at bakbak 1st night 100.00
breakfast eatery near dmsf 60.00
lunch at eatery in peñaplata market 68.00
groceries 60.00
dinner at barbecue boss  135.00
lunch at a restaurant at times  50.00
mcdo 95.00
dinner at bakbak 3rd night  50.00
breakfast at blue carabao 65.00
lunch at los amigos (hitoan) 50.00
dinner at eatery near davao airport 50.00


987.00



Gimik stuff

k1 ktv 300.00
cats and dogs ktv 40.00


340.00



Pasalubong

durian, mangosteen candy at victoria mall  482.00
2 tshirt and ref magnet at sm davao city 750.00
paper bag at victoria mall 29.00
tuna panga and belly at citra mina 205.00
marang and pomelo  357.00
aldevinco wallet  50.00
aldevinco shawl 80.00


1953.00
Total Expenses
7654.75





Multicab rent (samal inland tour) - 2500 + 100 tip / 4pax
Van rental (davao city tour) - 3250


jeramil cal (multicab driver sa samal)  09393570271



















11 comments:

  1. Ayon o! Ikaw pala tatanungin ko kapag gumawa na ko ng itinerary namin! :D

    ReplyDelete
  2. sure sis. may davao 1 at davao 2 pa akong ipopost dito. nasa multiply site ko kasi iyong mga dati kong blog. lipat ko na lang dito.

    ReplyDelete
  3. grabe super comprehensive!
    panalo Jen! good thing you decided to blog. masarap basahin yan after the years.. hehe

    ReplyDelete
  4. Nice..pinaghahandaan ko na Davao solo trip ko...Thanks for sharing

    ReplyDelete
  5. hi, pwede pong malaman ung number ng multicab driver sa samal at ung van rental for the city tour?

    ReplyDelete
  6. hi ja, wala akong number ng van rental sa davao. kasama ko kasi ang may contact doon. if ever mahanap ulit post ko dito.

    ReplyDelete
  7. multicab driver sa samal 09393570271 jeramil cal ang name nya

    ReplyDelete
  8. hi sis,

    sulit ba yung samal inland tour? medyo tight kasi budget namin so pinagdadalwang isip ko pa siya :P

    tia!

    ReplyDelete
  9. hi sis,

    sulit ba yung samal inland tour? tight budget kasi so gusto ko sana mga sulit lang puntahan namin :P from PF kami galing...3k singil ni Kuya Jeramil.

    tia!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa akin sis sulit naman kasi maghapon naman iyong tour namin. magkalayo rin kasi ang site kaya may kamahalan.

      Delete