Monday, April 4, 2011

Camping at Taytay Falls

May 1-2, 2010

  
Matagal na akong nangakong gagala kami ng mga kapatid ko at dahil medyo kapos sa pera camping ang naisip ko. Malayo naman ang Anawangin at magastos kaya sa Taytay falls sa Majayjay, Laguna kami pupunta. Sumakay kami ng bus sa Pasay (Greenstar iyong pangalan ng bus). Bago mag-6 ng umaga bumyahe na ang bus. Tatlong oras ang tinagal ng byahe galing Pasay papuntang Sta. Cruz. Then sumakay kami ng trike papunta sana sa terminal pero nagoyo kami ng trike driver at ihahatid na lang daw kami sa majayjay. 200 lang daw kasi iyong pamasahe galing terminal to majayjay ay 48 pero 33 lang naman pala (nalaman ko nung pauwi na kami). Pero oks na rin at mabilis naman kaming nakapunta ng majayjay.840am nasa Sta. Cruz kami at 930am naman nasa majayjay na. Nag-intay pa kami ng 30 minutes bago umalis iyong jeep. 1035am kami nakarating ng taytay. Nagparegister muna kami at nagbayad ng registration fee. 30 pesos sa overnight at 20 pesos naman para sa day tour. 25 minutes naman namin nilakad mula sa registration hall hanggang sa pinagtayuan namin ng tent.


Ang dami na ring pinagbago doon. Nadagdagan na rin iyong mga rooms for rent sa taas(600 per night). Iyong daanan noon na may creek pagbaba palang wala na. Inayos na nila ang daan at may harang at hawakan na dun sa may bangin na part. May nakita rin kaming hanging bridge at cottage malapit doon (wala pa raw bayad ito sa ngayon pero baka sa susunod na taon meron na daw sabi ng batang nakausap kong taga doon)na dating wala nung pumunta ako. May parang malaking paliguan din na dating di ko nakita. Marami nang pinagbago ang Majayjay.






Ang daming tao doon at nahirapan kaming maghanap ng maayos na pwesto. May nakita kaming medyo maliit na pwesto pero mukhang ok naman kasi konti lang ang bato-bato. Pagdating namin sa pupwestuhan namin (dun nga pala kami pumwesto malapit lapit sa cr at malapit lapit na rin sa falls) pinitch ko na ang aming tent.

Nagrent rin kami ng trapal at goma para di malamig ang tutulugan namin. 50 ang rent sa trapal at 50 ang rent sa goma. Sana nga di na lang ako nagdala ng tent kasi may marerentahan din dun, 150 pesos lang lahat lahat na.

After naming kumain, magpahinga at magbihis, pumunta na kami sa falls. Mukhang apektado rin ng kaunti ng el niño ang taytay falls kasi di ganun kalakas ang bagsak ng tubig. Mababaw din ang tubig kasi nung pumunta noon may malalim pa na parte malapit dun sa falls ngayon di na lagpas sa height ko.




Pumunta rin kami dun sa hanging bridge, cottage at dun sa parang malaking pool.



Pagkatapos naming magswimming at magpicture picture bumalik na kami sa pwesto namin at naligo na. 5pm na rin kasi noon so kailangan nang mag-ayos bago abutin ng gabi. Mahirap na, madilim kasi doon at isang headlamp lang dala ko.

After naming maligo kumain na rin kami ng dinner, inabot na kami ng gabi sa pagkain. Malamig na rin nung gabi kaya pumasok na rin kami sa loob ng tent after naming magligpit. Bonding din muna kami ng mga kapatid ko bago natulog. 8pm ata tulog na kami.

Pagkagising sinilip ko kung maraming tao sa may falls. At dahil maaga pa konti lang ang tao kaya nagpicture picture na rin ako.




9am umalis na kami ng taytay falls. Sumakay na lang kami ng trike ulit papuntang highway at pasakay ng jeep papuntang majayjay. Di na kasi namin inintay iyong jeep kasi kakaalis lang daw. Pagdating sa Majayjay sumakay naman kami ng jeep papuntang Sta. Cruz at nagbus naman pagdating sa Sta. Cruz. Pasado ala - una na kami nakarating ng bahay.

Marami nang pagbabago sa Taytay falls. Nakakalungkot lang iyong ibang campers di marunong rumespeto sa lugar. Ang daming basura dun sa may shower at mapanghi ang c.r. May naglilinis naman doon pero sana maisip din ng mga bumibisita na magkusang magtapon ng basura at maayos ang pag-gamit ng c.r.

ITENERARY
5:40am - Pasay
8:40am - Sta. Cruz
9:25am - Arrival Majayjay
10:00am - Depart Majayjay
10:35am - Arrival Taytay Falls Registation Hall
10:50am onwards - Pitch Tent, Arrange things, Lunch, swim, picture picture, roam around the place
5:00pm - Back to tent
5:30pm - Shower time
6:00pm - Dinner
7:00pm - Bonding
8:00pm - Lights off, sleeping time

4:00am -  Wake up time
6:00am -  Picture picture
7:00am -  breakfast
7:30am -  Shower
8:30am -  Arrange things
9:00am -  Uwian na
9:35am -  Depart Taytay
10:00am- Arrival Majayjay
10:05am -Depart Majayjay
10:50am -Arrival Jam Liner Sta. Cruz
11:00am- Depart Sta. Cruz
1:00pm -  Arrival Pasay

EXPENSES (3pax)
300 food - lunch dinner breakfast
300 chichirya
80 taxi - baclaran to pasay
421 bus - pasay to sta. cruz (140.30ea)
200 trike - sta. cruz to majayjay (pwede ring magtrike papuntang terminal then jeep papuntang majayjay 33 each lang)
45 jeep - majayjay to taytay
90 registration - overnight (20 pesos day tour)
100 trapal at goma (pwede ring rent ng tent 150 for 3pax or 600 room rate per night)
85 medicine and mineral water
45 trike - taytay to highway
30 jeep - highway to majayjay (pwedeng isang sakay na lang if may jeep sa taytay 15 pesos each ang pamasahe)
99 jeep- majayjay to sta. cruz
421 bus - sta. cruz to pasay
70 taxi - pasay to baclaran
2286 total expenses

2 comments:

  1. ang sweet tlga ni ate..
    aabangan ko ang Manila Ocean Park blog in the future.. =)

    ReplyDelete
  2. salamat sis. tinatanong na nga nila ako kung kelan daw kami pupunta. =)

    ReplyDelete