First time ko itong gagalang mag-isa. Nakakakaba, nakakaexcite at feeling ko nakakabutas din nga bulsa. Halos dalawang oras ang byahe mula terminal 3 hanggang davao city airport. Mabuti at friendly ang nakatabi ko sa eroplano so nagkwentuhan kami at di na ako nainip sa byahe. Pagdating namin sa Davao City airport nagpicture picture muna kami at pinasakay na nila ako ng taxi. Nafeel ko agad ang mainit na pagtanggap mula sa taga-Davao.
Dapat sa lodging ako magpapahatid pero dumeretso na kami sa Eden Nature Park para simulan na ang aking paglilibot. Mukhang ok naman ang taxi driver kaya di na rin ako natakot at tiwala na rin akong magpatour sa kanya. Kuya Junie ang pangalan nya at eto ang number nya 09069496082.
Nag-walk-in na lang ako at di pa rin nakapagpareserve sa Eden. Nagcheck in na ako sa reception nila at kinuha ko ang day tour package with snacks and shuttle service. 135 ang entrance at 55 naman ang payment sa shuttle. Nagenjoy ako sa tour sa eden at mas ok siguro kung maghapon ako dun kesa inavail ko lang iyong shuttle service. Buti na lang di umuulan sa eden medyo umaambon lang ng pakonti konti.
Bumyahe na kami papuntang Philippine eagle center. Pagdating sa park bumaba na kami ni kuya junie at nagbayad kami ng 5 pesos para sa entrance. Hindi pa ito iyong entrance talaga para sa phil.eagle. 50 ang bayad sa entrance at naglibot lang at nagpicture picture kami ng ilang sandali sa phil.eagle. Nakalibot naman ako at nakita ko si Pag-asa pero malayo sya sa trail at hirap picturan ng maayos pero ok lang atleast nakita ko sya.
Next stop is sa Japanese tunnel. Di na ako pumasok kasi nagugutom na ako that time at umuulan na rin at ayaw ko ring pumasok kasi medyo madilim.
Kumain na kami ng lunch,125 lang nag lunch namin ni kuya at may coke pa kami pareho at may extra rice pa sya kaya sulit na sulit ang binayad namn.Nagtext na rin ako sa nakilala ko sa forum, sabi nya kasi igagala daw nya ako sa Davao after office hours. Masaya kasi may kasama akong gumala na taga doon talaga at nakakatakot din kasi di ko sya kilala. Nakakatawa kasi pareho kami ng feeling nung nagkwentuhan na kami tungkol sa pakikipagmeet sa ka-forum. Nag check-in na rin ako sa Royal House para iwan ang ibang gamit ko at ituloy ang pag-gagala. Nagpahatid ako sa wharf ng Paradise Island para doon makipagmeet kay sis Io. Pero sa paradise na lang daw kami meet so pumunta na ako ng paradise.
14 pesos na ang pamasahe from wharf to paradise island. At 90 pesos naman ang entrance. May mini zoo rin sila sa resort at pwedeng mag-overnight kahit tumambay lang sa beach.
Pagkatapos naming sa Paradise Island resort, nagpunta na kami sa Crocodile Park. 100 pesos naman ang entrance dito.
Sabado ako pumunta so may show that time. Nakakatuwa din magpapicture sa baby croc at mga snakes. Ang maganda sa croc farm sa davao walang bayad ang papicture.
Sikat itong restaurant sa Davao City. Maganda rin ang view dito dahil mataas ang lugar at may overlooking sa Davao City. Dahil 6pm at nagextend na ng isang oras ang usapan namin nagbayad na ako para sa city tour. 1500 ang usapan namin at nagdagdag na lang ako ng 200. Nagpasalamat rin sya sa amin at umalis na rin. Dito na kami sa Jack's Ridge nagdinner.
Pagkatapos naming magdinner pumunta na kami sa Blugre sa Matina Square para magkape.
Pinatikim nya sa akin ang durian coffee. Kakaiba ang lasa dahil nga may durian pero masarap naman. Kwentuhan na kami na parang matagal nang magkaibigang di nagkikita. Saya kasi unang araw ko palang mainit na ang pagtanggap nila sa bumibisita sa Davao.
Second day
Ang dami ko ring kasabay na magdaday tour, 2 boats ang magkasabay na pumunta doon. At dahil ako namomoblema ako kung sino ang magpipicture sa akin. Nung dumating na kami sa pagoda, binigay ng mga staff ang welcome drink namin. Then nagpapicture ako sa staff ng pearl farm. Nung nandoon na ako sa malapit sa signage na may pearl farm resort, may mga teachers dun na nagpipicturan at sabi nila kung sino daw kukuha ng pic nila, I volunteered to take their picture pero kunan din nila ako after..hehehe… I told them na mag-isa lang ako at sinabi nila na jumoin nalang ako sa kanila. Syempre naman ako masayang masaya at may makakakasama na ako sa pearl farm.
Nagpunta kami sa office para na rin magbayad for the day tour. 1500 ang binayad ko. Syanga pala sabi pala doon sa pearl farm kung hindi sila fully booked at around 6 pax kayo for day tour may libreng isang room para pwede doong magpahinga. Unfortunately fully booked sila kaya wala kaming nakuhang room. Then nagshuttle kami papunta sa mandaya house. Ang ganda din ng pool nila doon at sarap ding magpicturan.
After ng aming picture-picture bumalik na kami sa may office namili kami ng shirts sa butik. Ok naman ang shirts nila at 220 ang price ng shirts. After that pumunta naman kami sa pagoda para magpahatid sa malipano island kung san nandoon ang rest house ni Margie moran.
Ang ganda din doon at mabait ang staff na nagassist sa amin. Mga11am na iyon so bumalik na kami around 1130 for lunch.
Pagdating namin marami na ring kumakain at kumuha na kami ng table. Buffet ang lunch nila at nakakatuwa ang table na pinaglalagyan ng mga ulam kasi hugis bangka sya at ang daming food. Sa kabilang side naman ng restaurant nandun ang soup at dessert station. Ang sasarap ng pagkain nila at busog na busog ako.
After magpahinga pumunta na kami sa samal houses at sa highest peak ng resort kung san makikita ang view ng davao city.
Then nagpunta kami sa game room at doon na rin kami nagpahinga. Around 330pm bumalik na kami sa may office at kumuha ng boat pass. Then sumakay na kami ng boat pabalik ng city.
Pagdating sa receiving area ng pearl farm wharf nagpicturan ulit kami ng mga teachers na nakasama ko at nagthank you sa company nila.
Nag-aircon taxi naman ako pabalik ng royale house at 67 naman ang binayaran ko. Nagpahinga muna ako sa room ko at after an hour nakipagmeet ulit ako kay sis Io sa gaisano mall. Then pumunta na kami ng Banoks for our dinner.
Di rin ako nagbayad dito kasi may nanlibre sa amin ng dinner pero nakita ko sa menu na 49 pesos ang bayad sa bbq chicken nila with unlimited rice, nagtubig na lang ako, pero inorder din nila ako ng durian shake at nagdessert pa kami ng durian ice cream. Pinakagusto ko iyong durian ice cream. After that nagpunta naman kami sa tinatawag nilang baywalk at naglakad lakad doon. Nagpapicture din ako sa controversial statue ni david.
After naming maglibot sa baywalk dumeretso naman kami tindahan ng durian sa magsaysay. At doon kumain na ako ng durian.
Ok naman ang experience. Medyo slimey sya pero ok na rin kasi masarap naman. At hindi na rin ako naconcious sa amoy kasi during my stay lagi kong naamoy ang durian. After naming kumain bumalik na ako sa royale house.
Third day
Sumakay ako ng jeep papuntang aldevinco galing royal house. 7 pesos ang pamasahe. Then bumili ako ng malong 120 ang single at 130 naman ang double. Then bumili rin ako ng pouch 30 pesos ang isa. Babalik na sana ako sa royal house kaya lang I asked the driver saan makakabili ng murang durian candy. Dinala nya ako sa matina at may mga magkakadikit doong tindahan ng candies. Sabi kasi ng driver mura daw dun pero mas mahal din pala kasi mas mura pa iyong nabili ko sa nccc mall nung gabi. Pero ok lang lesson learned din. Then pagbalik ng royal house sya pa rin ang hinire kong taxi papuntang sta. ana wharf. Kinuha ko lang gamit ko at iniwan mga pinamili ko sa room. 200 all in all ang binayad ko sa taxi mula aldevinco then matina tapos royal house then sta. ana wharf. Pagdating ng wharf sumakay na ako ng boat papuntang talikud island. Naka-dock din doon iyong boat pa-isla reta pero binaba rin nila iyong mga pasahero at lumipat ng pacific (boat na sinasakyan ko). 50 pesos ang binayad kong pamasahe papuntang talikud. 1030am kami nakaalis ng pantalan at 1130 na kami dumating sa talikud.
Pagdating sa talikud sumakay ako ng habal habal papuntang isla reta. Ok lang ding lakarin papunta kasi malapit lang pero dahil first time kong pumunta doon sumakay na lang ako. Pagdating ko ng Isla Reta konti lang ang tao, 1 hapon, 1 americano at isang couple na taga davao at ako lang ang bisita nila. Natuwa ako kasi konti lang ang tao at makakapagpicture na di nacoconcious kung may nakatingin ba sa akin. Then umorder na ako ng food para tanghalian ko. Isda lang ang meron sila kaya iyon din ang inorder ko isang prito at isang may sabaw. Medyo malungkot nga lang kumain ng mag-isa sa beach pero ok lang solo ko naman iyong food..hehehe. During my stay sa Isla Reta halos ako lang ang lumalangoy kasi tanghaling tapat at siguro sawa na ring magswimming ang ibang mga guest nila. Ok naman sa Isla Reta, ang puti ng buhangin, mabato nga lang. Nagenjoy naman ako doon. May part din naman ng isla reta na hindi mabato. Pagkatapos kong kumain at magpicture picture, naligo na ako at nagbihis. Nagbayad na rin ako para sa aking lunch 160 ang isda, 20 coke, 20 rin ang mineral water at 50 ang entrance fee.
230pm umalis na rin ako ng resort at pumunta ulit ng pantalan dahil 3pm ang byahe pabalik ng davao city. Nilakad ko na lang pabalik kasi alam ko na naman ang daan. Nakakatuwa iyong batang nakasalubong ko na taga doon super smile pa sya sa akin at nag-hi pa. Di naman ako mukhang turista, mukha lang akong bagong ligo na nanggaling sa beach..hehe. Sumakay na ako ng bangka papuntang davao city at 50 ulit ang binayad ko. Kinausap ako ng isang crew ng bangka, pero bisaya kaya ha lang ako ng ha. Na-gets siguro nya kaya nagtagalog na lang sya at sinabi na akala nya overnight ako sa isla reta. Sinabi kong hindi at may pupuntahan pa kasi ako. Pagdating ng pantalan sumakay ako ng taxi pabalik ng royal house. 49 pesos ang binayad ko galing ng wharf. Nagpahinga muna ako at naligo dahil maalat ang tubig sa Isla Reta. Malagkit ang pakiramdam ko kahit na naligo na ako. Then nagkita ulit kami ni sis Io at dumeretso ng Penongs for dinner. 50 naman ang taxi galing ng San Pedro Cathedral to Penongs na tapat ng nccc mall.
Chicken bbq ulit inorder ko at para sa akin mas masarap ang bbq nila kesa sa banoks. Ordinary bbq kasi para sa akin ang sa Banoks pero mas maganda naman ang ambiance nila kesa sa Penongs na medyo madilim ang lugar dahil na rin siguro dim ang light nila. 50 naman ang bayad sa chicken bbq nila. Then nanood kami ng sine sa NCCC. After manood ng sine pumunta kaming Torres St. para itry ang Kasagingan. Ok naman sa Kasagingan masarap ang mmmmaruya supreme nila. Kaya lang di bagay ang inorder kong hot choco sa maruya dahil parehong matamis.
Fourth day
Pumunta ng Colasas para tingnan kung bukas na pero sarado pa pala at sa gabi pa raw magbubukas.
Dumaan din ako sa San Pedro Cathedral .
Umorder din ako ng chicken bbq sa Penongs pagdating ko sa doon ibang branch pala ang napuntahan ko kaya di ko nakuha ang order ko dahil takot na akong maiwan ng eroplano, kaya dumeretso na ako sa airport. Sana sa Ilustre na lang pala ako bumili kasi nadelay naman ang flight ko. Next time na lang siguro ako makakapagdala ng chicken bbq galing Davao sa pamilya at mga kaibigan ko, pagbalik ko na lang ng Davao. 1pm na ata kami umalis kasi may mga inantay pang pasahero na nacancel ang susunod na flight.
Sobrang nagenjoy ako sa trip na ito at kahit na medyo magastos dahil magisa lang ako worth it naman. Marami akong nakilala at natutunan. Isa itong Davao sa gusto kong balikan sa mga susunod na panahon.Sobrang nagpapasalamat ako kay io na kasa-kasama ko sa paglilibot sa davao at sya rin ang tumulong sa akin para makapagplan ako ng maayos. Di ko nagawa ng parehong pareho ang itinerary ko pero napuntahan ko naman ang lahat ng gusto kong puntahan. Next time siguro pupunta naman ako sa bat sanctuary, samal old white house, hagimit falls, camudmud beach at canibad beach. Sana rin may kabarkada na akong kasama papunta doon. Masaya na malungkot ang magtravel ng mag-isa. Gusto kong ulitin pero siguro sa ibang lugar naman.
note: Halos apat na taon na rin itong blog na ito, nilipat ko lang galing sa multiply. At kahit na nakabalik na ako ng dalawang beses gusto ko pa ring bumalik ng Davao.
alam mo Jen, ikaw yung unang babae na nabasa kong nagtravel mag-isa. since then i searched for more blogs. kinda konti, pero meron pala tlgang pinays who travel solo.
ReplyDeletebilib na bilib ako sayo!
thanks sis.
ReplyDeletemabuhay tayong marunong magsolo, paminsan-minsan. =)
Hey there! Was searching for blogs featuring solo trips to Davao and I found yours. Informative entry. I will also conquer Davao as a solo female traveler (sa ngayon dahil walang kasama). Your post was informative. Sana may kumukop din sakin sa trip ko. Cheers to more trips!
ReplyDelete